
Nakakatuwa ang Road Trip ng Kapuso besties na sina Andrea Torres, Max Collins at Rochelle Pangilinan.
Sa kanilang siyesta sa beach habang umiinom ng buko juice, may mga ibinuking ang girls tungkol sa kanilang mga sarili tulad ng kanilang most embarrassing moment.
Kuwento ni Andrea, “First time ko mag-Chika Minute. Malabo pa ‘yung mata ko tapos ayaw ko namang mag-eye glasses tapos hindi pa ako nagko-contacts. Minemorize ko ‘yung script [kaya lang] live pala iyon [at] minsan nag-iiba [sa prompter]. Iba ‘yung nire-report ko [at] iba ‘yung lumalabas. Na-principal’s office ako after.”
Nahiya umano siya nang tanungin siya kung anong nangyari, “Minemorize ko po kasi ‘yung script. Hindi ko alam na iba na pala.”
Mala-aksidente naman ang nangyari kay Max, “Naalala ko nag-host ako sa mall [tapos] tumambling ako sa likod. Literal na tumbling, Mars! Nakakatawa kasi ang nakakita sa akin ay ‘yung [nasa] upper levels ng mall so sumigaw sila. Sila lang sa likod [ang] nakakita.”
Alamin pa sa video na ito kung sino ang lumaki sa Boracay at sino ang sanay sa baha.
Video from GMA Public Affairs