
Sunud-sunod na ang taping nina Andrea Torres at Derek Ramsay para sa inaabangang Kapuso series na The Better Woman.
Sa serye, sobra raw na-challenge si Andrea sa pagganap bilang dalawang karakter kaya lalo niya itong pinaghandaan.
Aniya, “Nacha-challenge ako na maging magkaiba silang dalawa pero at the same time may breather ka.
“Kasi, kapag masyado nang madrama 'yung isa, meron ka namang chance na maglaro-laro naman dun sa isang character na nakakatawa rin naman!”
WATCH: Andrea Torres, pinaghandaan ang role sa 'The Better Woman'
Saad ni Andrea, isang pressure daw para sa kaniya ang makatambal ang isang Kapuso hunk tulad ni Derek pero dahil sa personality nito, ay naging komportable ang kanilang working relationship.
“Lalo na siya! Talagang 8-pack abs siya. As in 8-pack! So parang kailangan fit ako palagi para naman 'di ako mapahiya.
“On set, sobrang close na talaga kami.
“Sabi nga ni Derek kahapon, 'Parang masyado na tayong comfortable sa isa't isa.'
“Kasi kahit ano talaga kaya naming pag-usapan. We're very open.”
E, paano kaya kung ma-inlove sa kaniya si Derek?
Alamin ang sagot ni Andrea sa chika ni Lhar Santiago:
<iframe src='https://www.gmanetwork.com/news/video/24oras/499865/andrea-torres-nag-celebrate-ng-birthday-kasama-ang-kanyang-pamilya-at-fans/evideo/' width='100%' height='380' frameborder='0'></iframe>
LOOK: Derek Ramsay and Andrea Torres's photo heats up Instagram