
Sa kabila ng kanyang injury dahil sa intense weightlifting, patuloy ang pag-e-exercise ni Andrea Torres na bahagi na ng kanyang lifestyle.
Walang pag-aautibili na raw ang hot and sultry Kapuso actress na i-flaunt ang kanyang sexy figure.
Aniya sa panayam ng 24 Oras, “Mas comfortable ako ngayon dahil mas matagal na rin since nag-start ako mag-sexy-sexy. Mas palagay na ako.”
Wala raw specific diet na sinusunod si Andrea; kinakain daw niya lahat pero in moderation. Kahit gaano ka-busy ay nakakahanap pa rin daw siya ng oras para mag-workout.
Bahagi niya, “Light weights, mas marami nang reps, boxing, Muay Thai. Kailangan makahanap ka ng workout na nae-enjoy mo.”
Gayunpaman, kamakailan ay kinailangan niyang baguhin ang kanyang exercise routine matapos magka-mild slip disc. Napasama raw ang intense weightlifting na araw-araw ginawa ni Andrea.
Bahagi niya, “Nagka-bulge, nagka-tear, nawalan ng liquid sa loob so parang kung ikukumpara mo siya doon sa ibang discs, nauna na siyang tumanda. Ako kasi 'pag nangangarir ako ng isang bagay, kunwari ‘yan kailangan kong mag-prepare for a sexy pictorial or shoot, ine-every day ko. So, masama pala rin ‘yun.”
Video courtesy of GMA News