
Ano kaya ang reaksyon ni Bossing dito?
Mapapanood at mapakikinggan ang iba’t ibang emosyon at reaksyon nang may magpakilala bilang ang bunsong anak ni Vic Sotto.
Ibinahagi sa Instagram account na @bossingvicsotto ang snapchat video ni Maine Mendoza kung saan nagpakilala ang lalaking nagngangalang Jelson Sotto.
Sambit nito, “Hi, my name is Jelson Sotto and I’m here shooting with my dad.”
Makikita ang gulat sa mukha ni Bossing habang humalakhak naman sa background si Maine.
Magkakasama sina Vic, Maine at Alden Richards sa Bohol para sa taping ng Enteng Kabisote 10 and the Abangers.
MORE ON VIC SOTTO:
WATCH: Cast ng Enteng Kabisote 10, kinilig sa kissing scene nina Bossing at Poleng
WATCH: The full video of Vic Sotto and Pauleen Luna's wedding
WATCH: Nagpakilalang bunso ni Vic Sotto, ayaw ma-recognize?