What's Hot

WATCH: Ang diet sa likod ng magandang katawan ni Sinon Loresca

By Marah Ruiz
Published October 14, 2017 12:48 PM PHT
Updated October 14, 2017 12:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



Isang #fitspiration talaga si Sinon!  

Bukod sa kanyang signature showstopping catwalk, naging kapansin-pansin din ang magandang pangangatawan ni actor and comedian Sinon Loresca. 

Malaking bagay ang page-exercise para ma-achieve ang ganitong katawan. Pero mahalaga din par akay Sinon ang pagpili ng mga pagkain na masustansiya pero magaan para sa katawan.

Sa isang episode ng Tunay na Buhay, ipinasilip niya kay Rhea Santos ang kanyang diet.

Kabilang ang mga prutas na pakwan at avocado sa diet ni Sinon. Steamed naman ang mga gulay na kinakain niya tulad ng okra at brocolli. Madalas din siyang kumain ng nilagang kamote at wheat bread para sa carbohydrates. Para naman sa protein, steamed salmon na may paminta at lemon ang madalas niyang kainin. 

Aminado si Sinon na hindi gaanong malasa ang mga pagkain na ito. 

"Sa totoo lang, pagdating sa pagpapaganda ng katawan, malungkot po talaga ang pagkain. Inaamin ko napakalungkot. Pero ang davantage naman po nito para sa amin, 'pag oras na ng mga bikini shows ito na 'yung pinakamasarap na moment. Naka-bikini ka—pak ganun! Ay excuse me, ang sexy! Pinaghirapan ko yan, ganun!" pahayag niya.

Panoorin ang paliwanag ni Sinon sa kanyang diet sa Tunay Na Buhay