
Panoorin sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang istorya ng isang babae na may kakaibang kondisyon.
Hirap na nga sa paghahanap buhay, may dagdag pasanin pa si Nanay Bernardita “Dita” Garma, ang mabigat niyang hinaharap.
Si Nanay Dita ay may iniindang kondisyon na tinatawag na “Gigantomastia” o abnormal na paglaki ng dibdib ng babae.
Tumitimbang na 20 kilos o halos kalahating kaban ng bigas ang dibdib ni Nanay Dita. Bukod rito, may mga bukol sa likod at goiter din siya.
Mula sa pag gising sa umaga, sa pagsuot ng tatlong patong ng damit para masuportahan ang kaniyang dibdib, hanggang sa posisyon sa pagtulog, ramdam ni Nanay Dita ang kalbaryo ng kaniyang sakit.
Tunghayan ang istorya ng buhay at paghahanap ng lunas ni Nanay Dita sa KMJS: