What's on TV

WATCH: Ang kuwento ng farmer frontliners at ng taong putik festival

By Maine Aquino
Published June 30, 2021 11:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Express: December 25, 2025 [HD]
Cop in CDO nabbed for indiscriminate firing on Christmas Day
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Amazing earth


Panoorin ang mga kuwento ng ating mga magsasakang frontliners at ang pinagmulan ng taong putik festival sa 'Amazing Earth.'

Nitong June 27, kuwento ng ating mga magsasaka at isang festival ang ibinahagi ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth.

Dingdong Dantes in Amazing Earth
Photo source: Amazing Earth

Sa episode nitong Linggo, ipinakita ang kuwento ng magsasaka na tumatayo bilang food frontliners. Ipinakita ang kanilang mga suliranin sa pagbebenta ng kanilang mga inaaning mga gulay at prutas at pati na rin ang ginawang hakbang ng Rural Rising Philippines para matulungan ang ating magsasaka.

Ibinahagi rin sa episode na ito ang kuwento ng taong putik festival ng Aliaga, Nueva Ecija. Ayon kay Rev. Fr. Elmer Serrano Villamayor, ang Parish Priest ng St. John the Baptist, Aliaga, Nueva Ecija, higit isang daang taon na ang festival na ito kung saan nagpapahid ang mga deboto ng putik at nagbabalot ng tuyong dahon sa kanilang katawan.


Samahan sa susunod na Linggo si Dingdong Dantes sa kanyang bagong paglalakbay sa Amazing Earth.

RELATED CONTENT:

Kuwento ng Irrawaddy dolphins, ibinahagi sa 'Amazing Earth'