
Patok ngayon sa madla ang love story nina Boyet (Ken Chan) at Aubrey (Rita Daniela) sa My Special Tatay. Marami ang na-i-inspire sa pagmamahalan ng dalawa, si Boyet na may intellectual disability at si Aubrey na dating sex worker.
Ngunit alam n'yo ba na hindi nalalayo ang kuwento ni Boyet at Aubrey sa tunay na buhay? Sa Kapuso Mo, Jessica Soho itinampok ang love story nina Abegail Raymundo at ang asawa niyang si Patrick Raymundo.
Gaya ni Aubrey, minsan nang pinasok ni Abegail ang pagiging sex worker. Sa kabila ng kaniyang nakaraan, buong puso pa rin siyang tinanggap ni Patrick.
Panoorin ang buong kuwento nina Abegail at Patrick Raymundo sa Kapuso Mo, Jessica Soho.