What's Hot

WATCH: Ang lalaking may malaking hinaharap sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'

By Bianca Geli
Published June 25, 2018 4:35 PM PHT
Updated June 25, 2018 4:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

New queue system set for Nazareno image ‘pahalik’
Image of Jesus Nazareno starts visiting churches in Davao City
Stop Wasting Money in 2026: Jax Reyes shares smart spending tips

Article Inside Page


Showbiz News



Kung asset sa mga babae ang magkaroon ng malaking hinahaharap, perwisyo at nakakawala ng pagkalalaki ito para sa mga binata tulad ni Aljon.

Kung asset sa mga babae ang magkaroon ng malaking hinahaharap, perwisyo at nakakawala ng pagkalalaki ito para sa mga binata.

Kilalanin si Aljon, isang binata na may malaking dibdib. Kuwento ni Aljon sa Kapuso Mo, Jessica Soho, wala raw siyang ininom o tinuturok na gamot para lumaki ang kaniyang dibdib.

Labing walong taong gulang si Aljon nang mapansin niyang lumalaki na ang kaniyang dibdib. Aniya, “Nung pataba ako ng pataba napansin kong hindi na normal ‘yung paglaki ng dibdib ko. Hanggang ngayon po, napansin kong sobra na ang laki, parang hindi ako normal.”

“Hindi ako makakilos nang maayos. Mahirap po para sa akin na lalaki. Hindi po ako makalabas ng bahay nang maigi, nakakahiya po.”

Tinutukso raw siya ng ibang nakakakita sa kaniya at binibiro siya na isang siyang babae at kung minsan, napagkakamalan pang lesbiyana.

Dagdag niya, “Para po sa akin, masakit din.”

Ano kaya ang sanhi ng kaniyang kondisyon?

Panoorin ang buong storya ng kakaibang dibdib ni Aljon sa KMJS: