What's Hot

WATCH: Ang love story ng "You're Road" couple na sina Jenny at Larry sa 'KMJS'

By Bianca Geli
Published April 25, 2018 3:33 PM PHT
Updated April 25, 2018 3:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Ano na ang estado ng relationship ng viral couple na sina Jenny at Larry? Panoorin sa feature na ito ng 'Kapuso Mo, Jessica Soho.'

Tunghayan sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang istorya ng dalagang tubong Pangasinan na si Jenny De at ng kaniyang Amerikano na fiancé na si Larry Passariello.

Pinag-usapan ang eksena mula sa isang reality TV show sa Amerika, ang 90 Day Fiancé, kung saan sinusundan ang mga Amerikano at ang kanilang mga kasintahan mula sa iba’t ibang bansa sa loob ng tatlong buwan o ang panahon kung kailan valid ang kanilang fiancé visa.

Tampok dito sina Jenny at Larry. Sa isang online dating site nagkakilala at nagkamabutihan ang dalawa. 

Nitong nakaraang Hunyo 2017, bumisita sa Pilipinas si Larry para mag-propose. Ipinakilala ni Jenny si Larry sa kaniyang pamilya sa isang handaan, at nang tila hindi nagustuhan ni Larry ang handa, nagkaroon sila ng 'di pagkakaunawaan ni Jenny na nag-viral dahil sa accent ni Jenny. 

Maliban sa language barrier, marami pang ibang naging hadlang sa kanilang pag-iibigan tulad ng pagdududa ng pamilya ni Larry sa tunay na intensyon ni Jenny. 

Kayanin kaya nina Jenny at Larry ang pagsubok sa kanilang pagmamahalan?

Panoorin ang kanilang love story feature sa KMJS:

Video courtesy of GMA Public Affairs