
Trending sa YouTube ang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho na ipinakita ang kuwento ng tinaguriang "monster ferris wheel" ng Surigao.
Nitong Hulyo lamang nang magpunta sa peryahan sa Barobo, Surigao del Sur ang isang barkada.
Laking gulat ng lahat sa peryahan nang biglang may umalingawngaw na kakaibang sigaw mula sa ferris wheel.
'Yun pala, naipit ang buhok ni Guyguy sa bearing shaft ng ferris wheel.
Sa tindi ng pagkakaipit nito ay natanggal ang kaniyang anit.
Kuwento ng kaibigan ni Guyguy na si Carl, “Na-shock po ako, tapos umiyak na lang po ako. Parang ang dali ng pangyayari.”
Isang hairdresser si Guyguy, ngunit ngayon, tuklap ang kaniyang anit.
Mula sa kaniyang kilay hanggang sa kaniyang likuran, natapyas pati kalahati ng kaniyang kanang tenga. Ang kaibigan naman ni Guyguy, nagkabali-bali ang mga daliri dahil rin sa sinakyan na ferris wheel.
Kuwento ni Guyguy, binangungot pa raw siya bago ang gabi ng kanilang pagpunta sa peryahan.
Ano na kaya ang nangyari kay Guyguy at sa peryahan ng Barobo, Surigao del Sur?
Panoorin sa KMJS: