
Sa ulat ng Kapuso Mo, Jessica Soho, isang bahay sa Iloilo ang tinubuan ng punso sa kanilang sala.
Ayon sa pamahiin nating mga Pilipino, ang punso ay tirahan ng mga nuno o mga laman lupa.
Sa isang bahay sa Leganes, Iloilo, tiyak na kayo’y mapapa "tabi-tabi po" pag nakita ang malaking lupa na tumubo sa loob ng bahay nila Baby at ng kaniyang pamilya. Umabot na ng 6 talampakan at 5 metro ang laki ng punso na tumubo sa bahay ni Baby.
Takot daw si Baby na galawin ang punso dahil baka makagambala siya sa mga nuno.
Aniya, “Kinausap ko talaga sila, sinabi ko, okay lang talaga. Kung gusto ninyo kunin ito pati sa kusina, [okay lang] pero sa ngayon sana kung puwede ‘wag muna. Kung lumaki pa kayo, posibleng mahirap para sa atin.”
Para magsilbing proteksyon, naglagay sina Baby ng altar sa tabi ng punso, nag-aalay din siya ng candy at ng inasinang karne tuwing unang Biyernes ng buwan para hindi sila gambalain ng mga hindi nakikitang kasama sa bahay.
Ang sabi ni Lolo Emilio na dating may-ari ng bahay, Isang maliit na tipak ng lupa lamang daw noon ang punso sa tapat ng kanilang bahay, pero mysteryosong lumipat ito sa loob ng kanilang tahanan.
Kuwento niya,“Ang sabi ng mga matatanda, ang punso kapag nasa loob ng bahay, buwenas daw.”
“Kapag nakikita namin na may tumutubong bagong punso, sinasabi ko sa asawa ko, palagay ko may darating na bagong kwarta.”
At nagkakaroon din daw sila ng pera matapos ang ilang araw.
Kuwento ni Baby, may nakita raw siyang mistulang multo noon sa may punso. “One time pumasok ako mula sa kusina, papasok ako sa sala namin, napalingon ako bigla kasi parang may tao. Wala akong narinig na sinabi niya, kinilabutan lang ako.”
Ang hipag naman ni Baby, nakursunadahan daw ng 'di matukoy na elemento.
Noong nakatakda na raw kasi siyang ikasal sa siyam na taon na niyang nobyo, nagkasakit daw siya, Nagpatingin daw siya sa isang albularyo at sabi nito na mayroon daw manliligaw si Krishia na ayaw ipakasal ito.
Samantala, ayon sa isang enthomologist o eksperto sa mga insekto mula sa Department of Agriculture, hindi raw bahay ng nuno ang tumubo sa bahay nila Baby.
Ano kaya ito?
Panoorin ang buong kuwento sa KMJS:
Video from GMA Public Affairs