
Pumanaw na ang aktres na si Isabel Granada kahapon, November 4, 6PM Philippine time.
Si Isabel ay nagsimula bilang isang commercial model, at sumikat sa That's Entertainment. Active pa rin ang aktres sa showbiz, kaya laking gulat ng lahat sa kanyang biglaang pagkawala.
Ani ng kanyang asawang si Arnel Cowley, "My wife, si Isabel Granada, has passed peacefully. [Sinasabi ko sa] interviews, na I wish ako na lang, ako na lang sana. Kasi my wife is so young, she's healthy, clean living."
Binigay naman ng kanyang former husband na si Jericho Genasky Aguas ang naging situwasyon ng kanyang dating asawa. Aniya, "On record po, bali she was declared brain dead since October 27, around 12noon."
Marami sa nagmamahal kay Isabel ang nagbigay din ng kanilang mensahe para sa aktres kabilang dito ang kanyang former ka-love team na si Chuckie Dreyfuss, sina Betong Sumaya, Kris Bernal, at marami pang iba.
IN PHOTOS: Celebrities mourn the death of Isabel Granada
Panoorin ang buong report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras:
Video from GMA News