
Ibinahagi ito ni Marian sa Christmas special ng GMA.
Ipinasalip ng Kapuso power couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang kanilang tahanan sa GMA-7 TV special na ‘The Magic of Christmas’ kagabi, November 18.
Dito nagbahagi ang mag-asawang Dantes ng ilang tips kung papaano mas patitibayin ang relasyon ng isang couple.
Ni-reveal din ng Kapuso Primetime Queen ang simple nitong pangarap sa kaniyang baby girl na si Maria Letizia Dantes.
Ani Marian, “Gusto ko kasi na lumaki talaga siya na mabuting tao. Gusto naming ipasa sa kaniya na ganito kami magmahalan. Gusto namin ganito ka rin.”
“Gusto ko mabuo sa kaniya ‘yung sa bahay namin, mabuo ‘yung salitang pagmamahal sa kaniya.”
MORE ON DONGYAN:
IN PHOTOS: DongYan headlines fashion event for an apparel giant?
WATCH: Adorable videos of Baby Maria Letizia Dantes in her first TV commercial shoot