
Hindi pangkaraniwan ang first family picture nina Robin, Mariel at baby Isabella.
Iniulat sa 24 Oras na ibinahagi ni Robin Padilla ang unang family picture nila ng kanyang misis na si Mariel Rodriguez at anak nilang si baby Isabella.
Hindi gaya ng karaniwang family pictures, isang video messaging application ang ginamit para sa unang litrato ng kanilang pamilya. Nasa Amerika pa rin kasi ang mag-ina, samantalang nandito sa Pilipinas si Robin dahil pending pa rin ang kanyang US visa application.
Ani Robin, “Mukha naman natuwa si Maria Isabella sa first family picture namin. Nothing is impossible with the creator!! Thank you my only God for the blessing of technology. Praise God.”
Video courtesy of GMA News
MORE ON THE PADILLA FAMILY:
WATCH: Mariel Rodriguez, iniiyakan ang problemang 'di makapag-produce ng breast milk para sa anak
WATCH: Kylie Padilla, masaya sa absolute pardon na natanggap ni Robin Padilla
READ: Mariel Rodriguez tells Kylie Padilla: "My baby will have an awesome Ate to look up to"