
Nitong July 7 ay nagpaalam na sa StarStruck season 7 sina Angelic Guzman at Gelo Alagban.
Sa Inside StarStruck ay ibinahagi nilang dalawa ang kanilang naramdaman pagkatapos ng ginanap na double elimination.
Kuwento ni Angelic hindi siya nagulat sa kinahinatnan ng kanyang StarStruck journey.
"Ako 'yung nasa isip ko po talaga, alam ko na, na parang ako. Parang kasi ayoko ring mag-expect... Parang every step ng competition, lagi kong sinasabi sa sarili ko na ako na. Ako na yung matatanggal.
"Ayoko lang talagang mag-expect ako. Alam ko din pong lahat naman kami deserving pero alam ko din po na may kailangan pa po akong pagdaanan pa po."
Dagdag pa ni Angelic, kailangan niya pang i-improve ang kanyang sarili sa pag-arte. "I love performing pero when it comes to acting talaga, medyo hirap pa ako kasi first time ko palang nagagawa... So alam ko rin sa sarili ko na kailangan ko pa talagang mag-workshop. Marami pa akong dapat matutunan sa acting."
Si Gelo naman ay ayaw sanang ma-disappoint ang kanyang mga mahal sa buhay sa maagang pagtatapos ng kanyang StarStruck journey.
"'Yung tumatakbo sa isip ko po kanina is 'yung I was praying for the best. Pero I think this is it. Pero one thing na nag-bother talaga sa isip ko is I don't want to disappoint my kababayan, my family, friends. It's so soon, pero it's for me. Tanggap, kasi at least nakaabot ako sa Top 14 out of thousands."
Pagpapatuloy ni Gelo ay magiging hopeful pa rin siya sa kanyang pagtupad ng kanyang pangarap.
"I know na after nilang marinig ito sa akin they're gonna be so devastated sa nangyari pero wala akong magagawa. Keep trying, push forward, and take everything as a lesson."
Panoorin ang kabuuang kuwento ng season 7 StarStruck Avengers sa Inside StarStruck.