What's on TV

WATCH: Anjo Damiles, aminadong isang mama's boy?

By Felix Ilaya
Published September 26, 2019 5:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Philippine FDI net inflows down 25.8% to $320M in September 2025 —BSP
GMA Network Recognized with ECODEB Model Business Organization Award
Laborer hacked to death in Davao Occidental

Article Inside Page


Showbiz News



"'Wag niyo kakahiya 'yung mga mommy n'yo. Mahal na mahal kayo niyan, ang daming sakripisyo ginawa nila para sa inyo." - Anjo Damiles

Ipinagluto ni Anjo Damiles sina Camille Prats, Iya Villania, Chariz Solomon, at Jason Abalos sa Mars Pa More.

Habang busy sa pagluluto si Anjo, inalam ng Mars Pa More hosts kung sino ang nagturo sa kanya kung paano magluto.

Ani Anjo, "Kasi 'yung mommy ko 'tsaka 'yung lola and of course mga tita ko, marunong silang magluto, marunong silang mag-bake.

"So one day, sabi ko sa mommy ko, 'Bakit 'di mo na lang ako turuan para ako naman magsilbi sa'yo?'

"Para 'pag feeling down siya baka pwede ko siyang lutuan ng favorite niya which is sinigang."

Inamin din niya na isa siyang proud na mama's boy. "'Wag niyo kakahiya 'yung mga mommy n'yo. Mahal na mahal kayo niyan, ang daming sakripisyo ginawa nila para sa inyo."

Na-touch naman sina Camille, Iya, at Chariz sa mga sinabi ni Anjo.

Panoorin ang kuwentuhan nina Anjo, Camille, Iya, at Jason sa video ng Mars Pa More below: