
Marami ang nagulat sa unang twist ng StarStruck season 7 na ginanap nitong June 30.
Tulad ng viewers at council, nagulat din ang Final 14 sa kanilang bagong challenge sa StarStruck.
Sa dulo ng episode kagabi ay inilahad ni Jennylyn Mercado na magbabalik ang ilang eliminated Artista Hopefuls para sa isang second chance challenge. Ang dalawang makakapasok sa challenge ay papalit sa isang male at female Artista Hopeful na na-eliminate na parte ng Final 14.
'StarStruck' reveals first twist for season 7 | Ep. 6
Ang maaaring matanggal sa boys ay sina Allen Ansay, Kim de Leon, Karl Aquino, Jeremy Sabido, Gelo Alagban, Abdul Raman, at Jerick Dolormente. Ang matatanggal ay maaaring palitan ng second chance challengers na sina Marc David, Radson Flores, at Maynard Fullido.
Sa girls naman ay maaaring matanggal ang isa kina Lexi Gonzales, Shayne Sava, Rere Madrid, Ella Cristofani, Angelic Guzman, Dani Porter at Pamela Prinster. Sila ay puwedeng mapalitan ng isa kina Crystal Paras, Janelle Lewis, at Kyle Lucasan.
Panoorin ang kanilang naging reaksyon sa second chance challenge sa Inside StarStruck with Kyline Alcantara.