
Mate-test ang pick-up lines ni Kimpoy Feliciano kay Arra San Agustin sa isang Taste MNL episode kung saan nakapag-burger date ang dalawa sa Charlie’s Grind and Grill, isang restaurant owned by former Viva Hot Babe Jen Rosendahl na located sa Sgt. Esguerra, Quezon City.
May mga sweet moments pa nga ang dalawa habang tina-try ang specialties ng restaurant tulad ng Charlie’s Irish Nachos, Reverse Buffalo Wings, Wagyu Burger, Angus Burger at ang kanilang House Fries.
Ilan naman sa mga pick-up lines ni Kimpoy ay gawa sa "boyfriend material," sa kanyang polo at lahat naman ay nagsisimula sa friends. Ano kaya ang reaksiyon ni Arra rito?
Panoorin ang buong episode ng Taste MNL dito: