What's on TV

WATCH: Ano ang sikreto ng matatag na pagsasama nina Marc at Danica Pingris?

By Maine Aquino
Published August 22, 2017 7:02 PM PHT
Updated August 22, 2017 7:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Sa pagpasok ni Regine Velasquez-Alcasid sa tahanan nina Marc at Danica Pingris ay inalam niya kung ano sikreto ng mag-asawa para mapanatili ang kanilang matatag na samahan bilang husband and wife. 

Sa pagpasok ni Regine Velasquez-Alcasid sa tahanan nina Marc at Danica Pingris ay inalam niya kung ano sikreto ng mag-asawa para mapanatili ang kanilang matatag na samahan bilang husband and wife. 

Kuwento ni Danica, nakakatulong ang pagkakaroon ng date ang mag-asawa para maipakita ang pagmamahal sa isa't isa. Aniya, "Importante pa rin like you go out, spend time with each other. Kasi importante 'yun eh. 'Di ba nga lagi mo nababanggit, there's always something new to discover and if you don't spend time with each other, paano mo malalaman 'yun?"

Isa pang dapat i-consider umano ng couples ay ang love language ng bawat isa.

Saad ni Danica, "For me, nag-work talaga sa akin na sinasabi 'yung love language ko. Like I always tell him, hindi ako ma-gifts pero I want you to talk to me. Like how was your day, ganito ganyan. Siya naman, physical ang kanyang love language."

Kay Marc naman dapat hindi titigil ang routine ng couples.

"Hindi pa kami kasal dati, lahat ng ginagawa ko tini-text ko sa kanya, so nandito na ako sa bahay, matutulog na ako, nandito sa gym, pauwi na ako. 'Pag kinasal kayo dapat ganun pa rin."

Panoorin ang kabuuang interview ng Sarap Diva host kina Marc at Danica: