
Sa isang interview with 24 Oras, ipinakita nina Kapuso stars Barbie Forteza, Maricris Garcia at Rochelle Pangilinan ang kanilang bag essentials.
Lagi raw may dalang baby wipes, gamot, makeup kit at dental floss si Barbie. Ang mala-girl scout naman na si Maricris ay makikitaan ng pera, suklay, mints at gamot sa kanyang bag.
Para naman kay Rochelle Pangilinan, halos dalhin na nga raw niya ang "bahay" niya sa bag niya. Dahil bukod sa wallet, pabango at makeup, may dala rin siyang mosquito repellent at strap ng lapel para always ready 'pag natawag for taping.
Panoorin ang buong report sa 24 Oras: