What's on TV

WATCH: Ano-ano ang dapat abangan sa 'Destined To Be Yours' ayon sa Team Pelangi?

By AEDRIANNE ACAR
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 11, 2017 2:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBB Celebrity Collab 2.0: Miguel Vergara wins gift of immunity
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Nag-Facebook Live ang Team Pelangi at may mga ibinulgar silang dapat niyong abangan sa 'Destined To Be Yours.'

Enjoy ang mga Kapuso netizens sa Facebook Live Q&A ng Destined To Be Yours (DTBY) stars na sina Sheena Halili, Juancho Trivino at RJ Padilla.

Napuno ng tawanan at kulitan ang bonding moments nila kasama ang mga Kapuso chatters. Ayon kay Juancho Trivino, masaya sila na may interaction sila sa mga loyal fans ng DTBY.

Aniya, “Nakakapag-interact kami with the fans nasasagot namin ng live ‘yung mga gusto nilang malaman from us.”

Dagdag naman ni RJ, “Refreshing kasi nakakabawi kami sa mga suporta nila sa amin.”

Game na game din ang tatlong Kapuso stars sa mga games na hinanda ng GMA Social Media team para sa Facebook Live event.

Saad ni Sheena, “Na-enjoy ko ‘yung mga ice breaker na ginawa natin. 'Tsaka ‘yung mga nagpapabati from iba’t ibang bansa na nakatutok.”

Nagbiday rin ng ilang juicy details ang Team Pelangi sa mga dapat abangan ng AlDub Nation sa kanilang primetime series.

Ano kaya ang mangyayari kung malaman ni Badong na may ibang pakay si Benjie kay Sinag?

“Ang dapat niyong abangan kay Badong ‘yung kung papaano niya haharapin, kung sakali may malaman siya na may pakay si Benjie na iba or maging sila man ni Sinag,” ani Juancho.

Dapat din daw tutukan ang mangyayari sa pagkakaibigan nina Sinag at Ninay ayon kay Sheena.

“'Yung friendship ni Sinag at ni Ninay basta mayroong mangyayari sa friendship nila na dapat niyong abangan.”

Video courtesy of GMA News

MORE ON 'DESTINED TO BE YOURS':

WATCH: Alden Richards happy with success of 'Destined To Be Yours'; confirms big concert in May

EXCLUSIVE: Maine Mendoza, thankful sa pag-alalay ng director at co-stars

Alden Richards, pinuri si Maine Mendoza sa pagganap sa unang soap