
Ano-ano ang activities na gustong gawin ng Kapuso heartthrob na si Miguel Tanfelix kasama ang special girl sa buhay niya na si Bianca Umali?
EXCLUSIVE: Sneak peek at BiGuel's identical cars
Sa latest Give Me Five video sa Kapuso Web Specials ng Kambal, Karibal actor, nabanggit niya na ang kanyang pinakagustong gawin ay ang laging makasama sa trabaho si Bianca.
Ani Miguel, “Cliché siya kung papakinggan n’yo kasi gusto ko mag-taping kasama si Bianca. Gusto ko mag-work kasama si Bianca. Ang reason dun kasi 'pag kasama ko siya nagwo-work, na-i-inspire ako. Pinu-push niya ako sa mga work na ginagawa namin. Mas nagiging maganda ‘yung kinalalabasan ng work namin 'pag kasama ko siya.”
Panoorin ang buong Give Me Five video ni Miguel Tanfelix sa video below!