
“Huwag maki-apid”
‘Yan ang diretsong sagot ni Ryza Cenon sa tanong ni Arnold Clavio kung ano ang natutunan niya sa Ika-6 Na Utos sa kanyang pagbisita sa Tonight with Arnold Clavio.’?????
Patuloy niya, “Si Georgia kasi ako e, nakita ko ‘yung hirap niya. Kasi marami namang lalaki d’yan sa mundo, bakit mo pinagsisiksikan ‘yung sarili mo sa taong hindi ka mahal?”
Sinundan pa niya ito ng pagbibigay ng payo sa mga lalaking hindi makuntento sa isa.
“Ang mapapayo ko sa mga lalaki, makuntento kayo sa taong mahal n’yo.”
Ibinahagi pa ni Ryza na ma-mimiss niya ang lahat ng nakatrabaho niya sa set dahil isang taon din silang nagkasama. Ngayong Marso, nakatakdang magtapos ang highest-rated daytime drama series.
Panoorin ang video na ito: