What's on TV

WATCH: Ano'ng ibig sabihin ng 'girl power' para kina Yasmien Kurdi, Bea Binene, at Gabbi Garcia?

By Cara Emmeline Garcia
Published August 28, 2019 11:20 AM PHT
Updated August 28, 2019 2:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin ang sagot ng lead stars ng 'Beautiful Justice' sa tanong na: "Ano'ng ibig sabihin ng 'girl power' para sa kanila?"

Maliban sa kanilang pag-arte, inaabangan na ng lahat ang action scenes nina Yasmien Kurdi, Bea Binene, at Gabbi Garcia sa upcoming serye na Beautiful Justice.

Yasmien Kurdi, Bea Binene, and Gabbi Garcia
Yasmien Kurdi, Bea Binene, and Gabbi Garcia

Sa action-packed soap, gaganap ang tatlong Kapuso actress bilang mga babaeng palaban kaya todo-training na sila sa iba't ibang fitness exercises, gun training, target shooting, at Krav Maga.

The beautiful and badass ladies of #BeautifulJusticeGMA 💄

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork) on

Kuwento ng tatlo, matagal-tagal nilang pinaghandaan ang serye kaya sobrang excited na silang makita ito ng manonood.

Ani Bea, “'Yung training pa lang sobrang saya na e. Nag-e-enjoy po kasi ako sa training, like 'yung mga firing, gun shooting, at Krav Maga kaya sobrang exciting.

“Tactical training kasi kaya parang ikaw lang 'yung bumabaril. Tinuturuan kami kung ano ang dapat gawin kung may mag-attack sa iyo.”

Kuwento naman ni Yasmien, “'Yung schedule ko punong-puno.

“Puro training at tapings -- 'yun lang ang ginagawa namin.”

Certified girl power ang trio na ito na naniniwala na it's about time na ipakita ang galing ng mga kababaihan.

Kaya ang tanong ng Unang Hirit barkada, “Ano ang ibig sabihin ng 'girl power' para sa kanila?”

Alamin ang kanilang sagot sa video na ito:

WATCH: Yasmien Kurdi, Bea Binene, at Gabbi Garcia, mga babaeng palaban sa 'Beautiful Justice'

EXCLUSIVE: Gabbi Garcia thinks there is a need for more 'female role models' on television