
Alamin ang sikreto ni Kapuso leading man Benjamin Alves sa pagpapanatili ng kanyang fit at healthy na pangangatawan.
Sa Unang Hirit ibinahagi ng Kapuso star ang kanyang hilig sa boxing. Ipinakita ng aktor ang mga workout nito tulad ng jump rope, speed bag, heavy bag at mitts.
Ang kanyang trabaho ang nagbibigay inspirasyon sa kanya para mag-ehersisyo, “Kailangan talaga na you have to stay fit, [and] you have to stay healthy. Alam n'yo naman po sa shows po natin sa GMA, maraming fight scenes [kaya] nakakatulong po talaga siya.”
Dalawang taon nang nagbo-boxing ang binata, “I haven’t stopped since. Other than boxing, nagba-basketball ako at least once a week [or] sometimes twice a week. I always go to the gym to make sure na to run, [exercise] my back, chest, [and] shoulders.”
Mahilig talaga sa physical activities si Ben, “Kahit anong sports, kailangan talaga [ay] nakakatulong ‘yung eight hours ng sleep. If not eight hours, at least enough na paggising mo, energized ka.”
Nagpasalamat siya sa lahat ng nanood at sumuporta sa GMA Telebabad soap na I Heart Davao kasama ang real-life couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.
Video courtesy of GMA News