What's on TV

WATCH: Ano'ng role ang sa tingin ni Kris Bernal ay sobra siyang nalilimitahan?

By AEDRIANNE ACAR
Published June 7, 2017 1:20 PM PHT
Updated July 4, 2017 5:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



Sa exclusive interview ng 24 Oras sa Kapuso star sinabi niya na sana maging tulay ang Impostora na mapaikita niya ang husay niya sa pagganap ng mga roles tulad ng pagiging kontrabida.

Game nang ipakita ng Kapuso actress na si Kris Bernal na ready siya gumanap sa mas mapangahas at daring role sa kaniyang pinakabagong afternoon serye na Impostora.

Challenging ang karakter ni Kris dahil dalawang katauhan ang gagampanan niya, sina Nimfa at Rosette.

Sa exclusive interview ng 24 Oras sa Kapuso star sinabi niya na sana maging tulay ang Impostora na mapaikita niya ang husay niya sa pagganap ng mga roles tulad ng pagiging kontrabida.

Ani Kris, “Gusto ko nang makita nila na puwede rin si Kris sa roles na ganito, na pwede maging kabit o pwede maging kontrabida, kasi parang nalilimitahan ako dun sa lagi akong bata.”

Bagamat daring ang role niya sa latest soap  at lumabas siya kamakailan sa FHM Philippines bilang cover girl ay may mga limitasyon pa rin daw si Kris Bernal sa mga sexy projects na gagawin.

Paliwanag niya, “Siguro mga tatlong projects ‘yun na tinaggihan ko din, kasi sabi ko hindi ko kaya,”

Inusisa din si Kris sa interview niya sa 24 Oras patungkol sa non showbiz businessman na nagpapakilig sa kaniya.

Hindi ba nagseselos ito sa trabaho niya sa showbiz, lalo na at ipapareha siya sa Kapuso leading man Rafael Rosell?

“Hindi siya seloso, at saka sobrang naiintindihan niya lahat.”

https://www.youtube.com/watch?v=6qLdjSAYi98

Abangan ang highly-anticipated Kapuso afternoon series na Impostora starring Kris Bernal at Rafael Rossel na malapit nang mapanood sa nangungunang GMA-7!

MORE ON 'IMPOSTORA':

IN PHOTOS: At the press conference of 'Impostora'