
Ipinasilip ng Kapuso star na si Jak Roberto sa Unang Hirit ang katas ng kanyang pagiging Pambansang Abs.
Kung hindi kami nagkakamali, ang kanyang black Ford Ranger Wildtrak ang pangalawang sasakyan na naipundar ng aktor mula nang pumasok siya sa showbiz.
Kung dati ay namumroblema pa si Jak kung paano bayaran ang kanyang pinakaunang puhunan, noong nakaraang taon ay nabili na niya ang kanyang dream car bilang Christmas gift sa kanyang sarili.
“Ito talaga ‘yung dream car ko ever since. Sabi ko, ‘pag magkakaroon ako ng sasakyan, gusto ko pickup na black, and ito na iyon. Binili ko siya bago natapos ang taon last year at ang pinakamalayong natakbo niya pa lang ay sa Tagaytay,” kuwento ng tinataguriang Abs ng Bayan.
Ayon din sa aktor, ang kanyang sasakyan ay parang pangalawa niya nang bahay, “Dito ako natutulog ‘pag wala pang tent [sa set], dito ako nagbabasa ng script [at] dito ako nagre-record ng [voice-over] ‘pag kailangan i-send kaagad.”
Ano kaya ang mga car essentials ng Contessa star? Alamin ang tinatagong sikreto ng Kapuso star sa loob ng kanyang sasakyan.