
Sa isang report sa 24 Oras, kinuwento ng ilang Kapuso celebrities ang kanilang lutang moments.
Sabi ni Angelu de Leon, "Normally nangyayari sa akin I am a week advance sa isang event."
Aniya, minsan ay nasa venue na siya nang malaman niyang next week pa pala ang event na pupuntahan niya.
Si Angelika Dela Cruz naman ay natulala sa isang seminar niya sa Brgy. Longos, Malabon City dahil wala pa siyang tulog. Siya ang barangay chairman sa lugar na ito.
Samantala, si Sunshine Dizon ay nasubukan nang mag-dialogue nang hindi niya masyado naiintindihan ang sinasabi ng kanyang kaeksena dahil sa pagmamadali.
Kuwento naman ni Gabby Eigenmann, "I tend to be forgetful na, sana not the age, ah."
Aniya, minsan ay naiiwan niya ang kanyang driver's license sa bahay.
Panoorin ang buong report sa 24 Oras: