What's on TV

Arnold Clavio, ikinuwentong si Tom Rodriguez ang nag-inspire sa kanya sa pag-sketch

By Maine Aquino
Published May 28, 2020 6:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Arnold Clavio in Just In


Dahil sa mga sketch ni Arnold Clavio, nakabuo siya ng libro na kanyang ibinebenta para sa mga batang nangangailangan.

Sa Just In nitong May 27, nakapanayam ni Vaness del Moral ang GMA News pillar na si Arnold Clavio.

Sa interview na ito, mas nakilala ng mga manonood si Arnold sa likod ng camera. Ilan sa mga kanilang pinag-usapan ni Vaness ay ang kanyang mga ginagawa kapag hindi siya busy sa kanyang trabaho.

Kuwento ni igan, nahihilig siya sa digital sketch. Na-inspire umano siya kay Kapuso actor Tom Rodriguez.

"'Yung digital sketch, inspired ako kay... although dati na ako nag-i-sketch, pero mas na-inspire ako kay Tom, kay Mang Tomas, kay Tom Rodriguez.

"Tinanong ko siya, meron akong dinownload na sinabi niya na sketch sa cellphone. Simula nun, nag-digital art na ako."

Nagtuloy umano ito sa pag-produce ng coffee table book na "Iskets, Piktyur at Tula."

"Nagkaroon na ako ng coffee table book. 'Yung sketch at tula ni Igan."

Nang i-promote ni Vaness ang libro niya, nilinaw nito na ang kinikita niya sa libro ay ibinibigay niya sa kanyang binuong foundation.

Ang IGAN Foundation ay isang non-profit organization na tumutulong sa mga batang may diabetes.

Saad ni Arnold, "Hindi sa akin 'yun, sa mga bata 'yun.

Dagdag pa niya, "Lahat ng ginagawa ko palabas na, puro pangtulong na 'yan."

Panoorin ang full episode ng Just In:

Just In: Usapang lalaki with Baron Geisler and Paolo Contis | Full Episode