GMA Logo
What's Hot

WATCH: Arnold Clavio, itinuturing na second family ang 'Unang Hirit' barkada

By Cara Emmeline Garcia
Published November 28, 2019 3:27 PM PHT
Updated December 23, 2019 11:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News



Bahagi ni Arnold Clavio, “'Pag mahal mo 'yung trabaho mo, mamahalin ka rin pabalik e.”

Sa dalawang dekada nilang pag-ere sa Philippine television, muling pumirma ang Unang Hirit barkada ng kontrata sa GMA Network noong Martes, November 26.

Kaya naman para sa isa sa original hosts nito na si Arnold Clavio, isang malaking karangalan na patuloy na tinatangkilik ng mga Pilipinong manonood ang kanilang programa.

Aniya, “'Pag mahal mo 'yung trabaho mo, mamahalin ka rin pabalik e.

“Napakaswerte dahil second family ko na talaga -- may mga original na nawala, may mga bagong dumating --pero hindi nabago 'yung pakikitungo at suporta.

“At natutuwa kami na nabibigyan rin ng suporta ang iba na maging bahagi ng Unang Hirit.”

Dagdag pa ni Arnold, marami pa raw mga sorpresang dapat abangan sa mga darating na araw sa hit morning show.

Patuloy na subaybayan ang Unang Hirit mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA-7.

Panoorin ang buong ulat ni Mariz Umali:

IN PHOTOS: 'Unang Hirit' celebrates 20th anniversary

'Unang Hirit' barkada marks their 20th year of great mornings