
Isang malaking karangalan daw para kay Madrasta star Arra San Agustin na mabansagang “Newest Gem of Drama” ng Kapuso network.
Kaya naman ayon sa aktres, bibigyan niya ito ng hustisya sa kanyang pinagbibidahang soap.
“Bibigyan ko po ng justice yan,” kuwento ni Arra kay Nelson Canlas.
“Kinabahan din po ako kasi ayokong ma-disappoint ang mga tao.”
WATCH: Arra San Agustin on portraying 'Madrasta:' “Pinaka-mapu-push talaga 'yung limits ko”
Noong Lunes, October 7, sabay-sabay pinanood ng cast ang pilot episode ng panibagong GMA Afternoon Prime series sa set nila sa Tagaytay.
Kasama sa nanood sina Juancho Trivino, Phytos Ramirez, Kelvin Miranda, mga batikang aktres na sina Gladys Reyes, Manilyn Reynes, at ang nagbabalik telebisyon na si Alice Dixson.
Apat na taon na ang nakalipas nang gumanap si Alice sa isang serye sa Kapuso network at aminado siya na naging mapili raw siya sa mga karakter na gagampanan niya noong mga nakaraang taon.
Sambit nito, “The truth is I really am quite selective about my projects and I only work about 6 months a year.
“And then I take a bit of sabbatical hiatus just so that people can miss me.”
Sa Madrasta, gaganap sa isang special role ang '90s icon at abangan daw kung makakatulong o magpapahirap ang kanyang karakter sa bida ng istorya.
Panoorin ang buong chika ni Nelson Canlas:
Subaybayan ang Madrasta, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime.
LOOK: Alice Dixson is looking great at 49
READ: Arra San Agustin, babaguhin ang imahe ng isang madrasta sa pagbibidahang drama