
Sinabayan ni Arra San Agustin ng pagbabasa ng tweets tungkol sa kaniya habang tinitikman ang ilang desserts para sa latest episode ng Taste MNL para sa GMA Online Exclusives.
Katulad ng iba't ibang flavors ng patok ngayong tin cakes--na minsan sweet, minsan naman ay bitter--ganito rin ang ibang tweets na nabasa ng My Special Tatay actress.
Sa kaniyang mga nabasa, hindi napigilang pag-react ni Arra San Agustin nang ma-mention ang "bashers."
Aniya, "Yung bashers talaga 'yung ano... 'yun 'yung bad thing. Actually, hindi rin siya bad thing because you learn from them.
“Kahit saan, kahit saang mga work, kahit kunyari corporate man 'yan, or being a resident, for sure may mga haters tayo.
“And for sure may mga gusto i-drag down [ka.]
“May mga taong may crab mentality, and hindi mo naman maiiwasan 'yun, so it's basically normal.”
Panoorin ang buong video dito: