What's Hot

WATCH: Ash Ortega, nadiskubre ang talent sa wakeboarding

By Marah Ruiz
Published May 9, 2018 11:18 AM PHT
Updated May 9, 2018 11:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Sager earns praise for hosting skills in MMFF Gabi ng Parangal
OVP staff hold breakfast gathering in Manaoag
Remembering icons and notable personalities we lost in 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Silipin ang naging experience ni Ash Ortega na first time nag-wakeboarding sa programang 'Pop Talk.'

Kabilang si Kapuso beauty Ash Ortega sa mga reviewers sa latest episode ng programang PopTalk ni Tonipet Gaba. 

Sa episode na iyon, binisita nila ang iba't ibang mga summer destinations na sa palagay nila ay magiging patok this summer.

Kabilang na dito ang isang wakeboard park na lubos na-enjoy ni Ash.

First time man niyang subukan ang wakeboarding, agad siyang nakatayo at nakuha ang tamang balanse para dito. 

"Ang saya! Kailangan lang ng matinding balance and focus, pero it's super fun," aniya tungkol sa experience.

Matatandaang isang figure skater din si Ash na nako-compete locally at internationally.

Panoorin ang first time niya sa wakeboarding sa feature na ito ng PopTalk: