
Ipinasilip ni Kapuso actress Ashley Ortega ang kanyang tahanan sa programang Tunay Na Buhay.
Siyempre, nagbigay din siya ng mini tour sa kanyang kwarto.
Kitang-kita dito ang koleksiyon ni Ashley ng mga limited edition na Barbie dolls.
Naka-display din ang iba't ibang mga medalya na nakuha niya sa mga local at international skating competitions.
Silipin ang kwarto ni Ashley sa feature na ito ng Tunay Na Buhay.
Naging matunog ang pangalan ni Ashley matapos lumabas sa nag-viral na commercial ng isang fast food brand.
Naging co-host pa siya ni Willie Revillame sa patok na afternoon variety show na Wowowin.
Kasalukuyan din siyang bahagi ng cast ng GMA Telebabad series na Super Ma'am.