
Naging mas open si Ashley Rivera, na nakikilala rin bilang si Petra Mahalimuyak, sa kanyang depression sa isang interview niya with Rhea Santos para sa Tunay Na Buhay.
Aniya, "I think nag-start lang 'yang depression na 'yan when I got into a really parang toxic relationship with a guy. It was abusive—emotionally, verbally, sometimes physically."
Paliwanag naman niya, "But not naman 'yung tipong sasapakin ako but nandun 'yung force and everything."
Tinanong din ni Rhea kung ito ba 'yung pakiramdam na kahit ano'ng gawin niya ay hindi niya magawang maging masaya.
Sagot naman ni Ashley na nagulat din siya sa naging effect ng depression sa kanyang pang-araw-araw na buhay.
Kwento ni Ashley, "I didn't know na may ganung effect pala siya sa akin. I'm not gonna lie, I had like suicidal thoughts."
Kuwento pa niya, "Ako kasi, ang nangyayari sa akin is I would always run, eh. I would always run away. If I can't handle a certain problem I just run. Parang I don't wanna deal with it, I don't like confrontation."
Mas manageable na ang condition niya this year. Malaking tulong sa mental health ni Ashley ang magkaroon ng support group, ng mga taong nakakaintindi sa pinagdadaanan niya at mga taong nandyan lang para sa kanya.
Dagdag pa ng aktres, "I can't really say na, 'Oh wow, look at me, I'm a completely different person, one hundred percent changed' no. Because it is a process, it doesn't happen overnight. I started surrounding my self with the right people."
Sa ngayon ay uma-attend na rin ng church at Bible study si Ashley. Every Saturday naman ay nasa Glorious Hope ang aktres. Kino-consider niyang parang similar to "rehab" ito. Aniya, "Never naman ako na-rehab, but I'm thinking na it's sort of like that."
Panoorin ang highlight video dito: