
"...I am very upset." - Irma Adlawan
Nagsalita na ang director na si Alvin Yapan at aktres na si Irma Adlawan patungkol sa dog slaughter controversy na kinasasangkutan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nila na ‘Oro.’
Base sa panayam sa direktor ng GMA News TV program na ‘News To Go,’ nilinaw ni Yapan na wala sa production team ang pumatay ng aso. Binigyan diin din niya na may lamay daw na nangyayari sa shoot ng kanilang pelikula at magkakatay daw ng aso ang mga residente doon.
Gayunpaman humingi ng paumanhin ang controversial filmmaker sa mga na-offend ng kanilang pelikula.
Saad ni Yapan, “At hindi ko rin inimbento ‘yung metapora ng aso para lang pumatay sa loob ng isang pelikula. Ito ay kultura ng masa, kultura ito sa liblib ng probinsya,”
“Kinakalungkot ko ang natabunan sa lahat ng ito ay ang isyu ng apat na minero na pinatay”
Umamin naman ang MMFF 2016 Best Actress awardee na si Irma Adlawan na disappointed siya sa pamunuan ng film festival.
Ani Irma, “To the MMFF committee, to the MMFF selection committee to MTRCB you should have spoken. If you didn’t like us, you should not have picked us. But, you did and you never spoke. And we never heard anything from you, that’s why I am very upset,”
Nanalo ng Best Ensemble cast ang Oro sa 2016 MMFF, samantalang binawi naman ang Fernando Poe Jr. Memorial Award na nakuha ng pelikula.
MORE ON MMFF MOVIE ORO:
IN PHOTOS: Which among the eight entries is the top grossing film in the 2016 MMFF?
'WATCH: 'Oro' stripped off Fernando Poe Jr. Memorial award after dog slaughter controversy
READ: Liza Diño-Seguerra, kinumpirmang nagsinungaling ang 'Oro' tungkol sa pagpatay ng isang aso sa naturang pelikula