What's Hot

WATCH: Ayeesha Cervantes, 'fitspiration' si Marian Rivera

By Marah Ruiz
Published July 9, 2018 11:58 AM PHT
Updated July 9, 2018 12:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News



Silipin ang naging pagbisita ni Ayeesha Cervantes sa programang Pinoy MD.

Noong summer ng 2016 nagsimulang mag-workout si 17-year-old Kapuso actress Ayeesha Cervantes. 

Dahil daw ito sa kanyang trabaho bilang artista. 

"Sa showbiz 'di ba 'pag payat ka in person, doble 'yung laki mo on TV. Sabi nung bestfriend ko po, 'Mag-gym ka. I-tone mo yung body mo,'" bahagi niya. 

Dahil bata pa, nag-research daw siya ng mga workout na wasto para sa kanyang edad. 

"Tinitingnan ko sa Instagram, sa YouTube kung ano 'yung mga pwede sa akin na workouts. Para sa age ko po, lunges, squats. Sa arms po, I use weights. Nagpu-push ups din po ako. Sabi nila 'yun 'yung pinaka the best way sa arms," paliwanag niya. 

Nakita naman daw niya ang kaibahan sa kanyang mga litrato. 

"Ayun, nag-tone 'yung legs ko. Nag-tone 'yung tummy ko, 'yung braso ko. Nag-tone po talaga. Nakita ko talaga 'yung difference from 2015," aniya.

Ngayon, dalawang beses sa isang linggo siya kung pumunta sa gym. Inspirasyon daw niya sa fitness si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. 

"Si Marian Rivera, may anak na siya [pero] akala mo hindi siya nanganak. Gusto ko ring maging fit like her 'pag tumanda ako [at] kasing age ko na siya. Lalo na may anak siya pero sobrang fit pa rin siya," kuwento ni Ayeesha. 

Sa tulong ng fitness coach na si Cleeve Vidal, ipinakita ni Ayeesha ang kanyang workout na may kasamang weight training at boxing, sa programang Pinoy MD.