
Isang babae galing Butuan, Agusan del Norte, napabalitang sumusuka 'di umano ng mga palaka at insekto dahil daw sa kulam o pambabarang.
Paskong-pasko, pero si “Emily,” di pa rin natigil sa pagsuka ng palaka at insekto. Patunay raw ang video na ipinadala ng pamilya ni Emily sa Kapuso Mo, Jessica Soho.
Kasalukuyang walang trabaho si Emily, at barker naman ang kaniyang mister na si Paolo. Kaya imbes na magpa-doktor, sa albularyo sila lumapit noong nakaranas si Emily ng pananakit ng tiyan noong Agosto.
Mula raw nang magpahid at uminom ng langis si Emily, nagsimula raw sumuka ito ng mga palaka.
Kuwento ni Emily, “Kapag sumusuka ako, nininerbyos ako. Parang pumapasok sa loob at namimilipit ang tiyan ko kaya hindi ako makatulog."
Paliwanag ng albularyo, nabarang daw si Emily. Ang barang ay uri ng kulam kung saan gumagamit ng mga hayop o insekto para makapanakit ng ibang tao.
Paliwanag ni Francis B. Lucas ng Catholic Media Network, “Ang mga taong binarang o kinulam ay pinasukan ng impluwensiya ng kasamaan.”
Ano kaya ang totoong nangyari kay Emily? Panoorin sa KMJS: