Ngayong gabi sa Encantadia, magtatagumpay si Bathalumang Ether na muling isilang ang bagong Reyna Avria na magiging pinuno ng Etheria.
Naunang sinubukang kunin ni Ether ang katawan ni Cassiopea para maging tahanan ni Avria ngunit nabigo sila dahil lumaban at nakatakas ang sinaunang diwata. Ngunit dahil sa Brilyante ng Diwa na ninakaw ni Avria sa Lireo, muling nagkaroon ng pagkakataong ibangon ni Ether ang nasawing hara ng Etheria.
Encantadia Teaser Ep. 159: Ang tanging paraan... by encantadia2016
Abangan ang mga eksenang 'yan mamaya sa Encantadia pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
MORE ON 'ENCANTADIA':
READ: Netizens welcome Eula Valdes as the new Avria of 'Encantadia'
WATCH: What you've missed from 'Encantadia's episode on February 22
WATCH: Mikee Quintos does the makeup of Bathalumang Ether of 'Encantadia'