
Ito ang dahilan kung kaya maingat ang Primetime Queen sa pagpili ng kanyang mga Christmas decor.
Iba ang saya na dala ng unica hijang anak nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Kumpleto ang tahanan nila sa darating na pasko nang dahil kay Baby Maria Letizia.
LOOK: Dantes family celebrates the first birthday of Baby Zia
Ayon kay Primetime Queen, “Dati, masaya pero ngayon mas masasabi ko siguro na sobrang mas masaya kasi siyempre may anak na kaming dalawa ni Dong.”
Ngayong one year old na ang kanilang baby, mas maingat si Mommy Marian sa pag-aalaga pati na sa pagbibigay ng regalo. “Pagdating kasi kay Zia, kailangan ‘yung laruan na ibibigay mo dun sa bata ay tugma sa age. Example, si Zia, mahilig niyang ngatngatin [ang mga kung anu-ano] so hindi pwede sa kanya ang maliliit na bagay.”
Dapat child-friendly rin daw ang Christmas decors sa bahay para sa kaligtasan ng bata, “Gusto ko talagang makulay para kay Zia, especially [‘yung] Christmas light pero siyempre alam naman natin na hindi lahat [na] maganda sa mata ay safe so kailangan talaga maging maingat tayo sa pagpili.”
Bunyag ng aktres sa Mars, “Lalo na si Zia, ang hilig niyang [kagatin] ang balls. ‘Yung mga wire [ay] dapat safe talaga, especially sa ilaw, dapat may naka-seal na ICC para safe talaga.”
WATCH: Baby Zia goes swimming!
WATCH: Baby Zia, palakaibigan sa play school