
Excited na si Marian Rivera sa mga susunod niyang eksena sa Super Ma'am dahil tuwing nakakatalo siya ng mga Tamawo, nag-a-upgrade din ang costumes ni Super Ma'am!
Ika pa ni Marian, gustong gusto rin niya ang mga ginawa niyang fight scenes sa show. Aniya, "Habang nagfa-fight scene ako, and marami akong eksenang kinukunan [napapa-] "ah, ito talaga, ito talaga ang gusto ko," ako. So, palagi akong looking forward sa mga eksenang ganun."
Dagdag pa niya, pati ang anak niyang si Baby Zia ay fan na rin ni Super Ma'am. Aniya, "Nanonood siya ng Super Ma'am. One time tumawag nga 'yung tatay niya (Dingdong Dantes), tinatanong siya 'What are you doing?' [Sabi ni Zia], 'Watching Super Ma'am.' Tapos sinabi nga ng mama ko 'pag ayaw kumain [sinasabihan niya ng] 'Andiyan na 'yung Tamawo.' [Tapos sagot ni Zia], 'I don' t like Tamawo.'"
Panoorin ang full report ni Nelson Canlas sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News