
Kanino ba nagmana ng pagiging friendly at mahilig sa music si Baby Zia?
Sampung buwan na ang panganay nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na si Baby Maria Letizia. Mag-iisang taon pa lang siya ngayong Nobyembre 23 ngunit pumapasok na siya sa isang play school.
“Sabi nga ng teacher niya, napaka-observant niyang bata. Hindi siya takot sa tao eh, kumbaga, 'pag sinabi ng teacher niya na ‘C’mon, let’s play, let’s drum, let’s hop,’ talagang sumusunod siya tapos nakiki-mingle sa mga bata,” ani Marian sa report ng Unang Hirit.
Lumalaking aktibo raw ang kanyang unica hija, “[Siya ay] makulit, madaldal tapos kung ano ‘yung tinuturo ko, natututunan naman niya [katulad ng pag-be-bless]. Sabi ko nga, ang anak ko kakaiba. ‘Yung iba sinasabi, ‘[Show me your] beautiful eyes.’ Ako, hindi, ‘Anak, show me your rat face!’”
WATCH: Anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, marunong nang magmano
Manang-mana si Zia sa kanyang mga magulang dahil sumasayaw siya sa tugtog ng musika, “Ang anak ko kapag nakakarinig ng music, mahilig siyang mag-head bang.”
Kakarating lang ng mag-asawa sa Estados Unidos para sa kanilang Laugh trip with DongYan sa America concert at first time nilang kasama si Zia abroad.
Video courtesy of GMA News
MORE ON BABY MARIA LETIZIA:
WATCH: Is this Baby Zia’s first word?
WATCH: Adorable videos of Baby Maria Letizia Dantes in her first TV commercial shoot