
May pa-block screening ang fan club ni Eat Bulaga Dabarkads Bae-by Baste para sa kanyang Metro Manila Film Festival movie na Meant To Beh.
Handog nila ito kay Baste at para rin sa mga batang nasa pangangalaga ng Giving Hope Foundation.
Present sa block screening si Baste kasama ang kanyang Mommy Sheila at Daddy Sol.
"Thank you, fans kasi nanood kayo ng 'Meant To Beh," pahayag ni Baste.
Showing pa rin ang pelikula sa iba't ibang mga sinehan sa bansa.
"Pwede pang lolo, pwede pang bata, pwede pang lolas," paglalarawan niya sa kanilang pelikula.
Bukod dito, excited din na maka-attend sa awards night si Baste dahil ito ang unang pagkakataong nakasama siya sa MMFF.
"Sana successful po 'yung MMFF," aniya.
Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras:
Photo by: meanttobehthemovie (IG)