
Imbitado si Kapuso host and actress Solenn Heussaff sa isang art exhibit abroad.
Maaaring makita ang mga bagong paintings niya sa Palm Beach Jewelry, Art and Antique Show sa Miami, Florida.
Matapos ang isang matagumpay na Kalsada exhibit last 2017, ibang tema naman daw ang in-explore niya sa mga bago niyang obra.
"It's nice to experiment with different subjects. Most of them have plants or like animals incorporated," pahayag ni Solenn.
Ang kanyang asawang si Nico Bolzico daw ang nag-udyok sa kanya na sumama sa exhibit.
"He's the one who told me [na] huwag kang mag-no sa Miami exhibit. Kasi sa umpisa sabi ko 'I'm not ready for it.' Sabi niya, 'You're not gonna get this chance in another time,'" kuwento niya.
Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News