
Hindi man nakadalo si Barbie Forteza sa wedding ng kanyang kaibigang si Joyce Ching sa non-showbiz partner nitong si Kevin Alimon, masayang-masaya pa rin siya para sa dalawa.
READ: Why was Barbie Forteza not present at Joyce Ching's wedding?
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Barbie, ikinuwento ng Kapuso Primetime Princess na ikinagulat raw niya nang marinig niya ang balitang engaged na si Joyce earlier this 2019.
"Noong una, hindi ako makapaniwala kasi parang hindi pa rin nawawala sa isip ko na tweens pa rin kami kasi every year, nagkikita-kita kami parang naging tradition na rin namin.
"Kahit once a year man lang, makumpleto kami. So feeling ko hindi pa rin kami tumatanda, feeling ko Tween Hearts pa rin kami.
"Tapos ngayon engaged na siya, settled na siya, nakaka-sepanx (separation anxiety). Kasi dati naglalaro-laro lang kami tapos ngayon married na," wika ng aktres.
Dagdag pa ni Barbie, talagang sorpresa daw para sa kanya na si Joyce ang unang ikinasal sa kanilang Tween Hearts barkada. Bakit kaya?
Aniya, "Nakakatuwa lang kasi siya 'yung unang nagpakasal sa aming tweens, siya 'yung unang nag settle [down] talaga.
"Hindi ko lubos akalain kasi si Joyce, hindi ko siya nakita na mag-se-settle agad. Kumbaga ano siya 'eh career-oriented, go-getter.
"So 'nung na-realize ko na 'Oh my gosh, settled na siya.' Feeling ko, na-achieve niya na lahat sa buhay niya, lahat ng pangarap niya nakuha na niya.
"And now, she's with someone na alam ko kung papaano siya alagaan, kung papaano siya mahalin.
"Sobrang happy ako para sa kanya."
Panoorin ang buong panayam kay Barbie Forteza sa video ng Kapuso Showbiz News below: