
Maraming nakapansin sa absence ni Mommy Dionisia sa kakatapos lamang na laban ng kaniyang anak na si Sen. Manny Pacquiao kontra kay Adrien Broner sa Las Vegas.
Numero uno siyang taga-suporta ng Pambansang Kamao sa bawat laban nito, pero sa pagkakataong ito, hindi siya nakalipad patungong Amerika para makanood ng laban dahil sa kaniyang kalusugan.
Base sa ulat ng GMA Regional TV news program na One Mindanao, ikinuwento ng boyfriend ni Mommy D na si Michael Llamson na may asthma ang ina ng Pambansang Kamao.
Ika niya, "Nagkaroon siya ng asthma, kung ano 'yung naramdaman n'ya before.
“'Tapos [umattend] siya ng birthday, after ng birthday, kinabukasan, balik na naman sa hospital."
Nagbilin pa raw si Mommy D sa kaniyang mga anak na ipagdasal si Manny para manalo.
"Pinagbilin niya sa mga anak niya na bago mag-fight si Manny, i-pray over nila, full-support sa panalangin para manalo," ani Michael.
Panoorin ang buong report dito:
Nadepensahan ni Manny ang kaniyang WBA welterweight world title kontra kay Broner via unanimous decision win noong Linggo, January 20.
Pacquiao dominates Broner to retain WBA title