
Nabuksan ang isipin ng Kapuso leading man na si Rocco Nacino sa galing ng mga scripwriters matapos niyang gawin ang Metro Manila Film Festival movie entry niya na 'Write About Love.'
Sa guesting ni Rocco sa Kapuso ArisTambayan kahapon, December 12, ikinuwento niya na inaalay nila ang kanilang pelikula sa mga 'unsung heroes' na gumagawa ng script ng mga paborito ninyong movies.
Saad ng Kapuso actor, “Ang Write About Love, iba nga 'yung pagkasabi 'di ba, sulat, so itong film na 'to ay isang handog para sa ating scripwriters.
“Kunwari, Betong, mayroon ka bang paboritong linya ng isang pelikula? Mayoonn kang masasagot 'di ba.”
“Pero 'pag 'tinanong ko sa iyo kung sino ang nagsulat ng mga linya na 'yun. Hindi noh,"
Dagdag ni Rocco, “So itong film na 'to pays homage to our scriptwriters sa pagbuo ng magagadang linyahan na talagang hindi natin makakalimutan.
“At mapapanood natin dito 'yung proseso nila. After doing this, itong project na 'to, talagang nakita ko na kahanga-hanga talaga 'yung mga scriptwriters natin.”
Bukod sa guesting niya sa Kapuso ArtisTambayan, pumunta din sa Kapuso FM station na Barangay LS Forever si Rocco para i-promote din ang Write About Love.
Makakasama din ni Rocco sa naturang pelikula sina Miles Ocampo, Yeng Constantino at Joem Bascon.
Check out Rocco Nacino's full interview on Kapuso ArtsiTambayan in the video below.