
Ilang tulog na lang, mga Kapuso, at muli n’yo nang mapapanood ang minahal at tinutukan na primetime series na Alyas Robin Hood na pinagbibidahan ng Kapuso Primetine King Dingdong Dantes.
Isa din sa inaabangan sa pinakaastig na primetime program ang pagbabalik ni Andrea Toress bilang si Venus.
Ayon kay Andrea sa panayam niya sa Chika Minute, hindi dapat palampasin ng mga televiewers ang mas hot at matapang na Venus sa Alyas Robin Hood.
Ani Andrea, “Unang pasok pa lang for sure magugulat sila,”
Dagdag niya na mas pina-level up pa niya ang kaniyang martial arts training para sa series.
“Open ako ngayon to try different things na puwedeng magamit ni Venus,”
Umamin din si Andrea na nastar-struck siya sa eksena nila ng action star na si Jay Manalo. Kuwento niya hindi daw siya makapaniwala na magkakaroon siya ng chance na maka-trabaho ang iniidolo niyang aktor.
Wika niya, “Kay Jay Manalo pa lang ako nagkaroon ng eksena, nakaka-starstruck siya kasi napanood ko ‘yung mga movies niya. Nasubaybayan ko ‘yung mga ginawa niya before, so parang hindi ko lang in-expect na makaka-eksena ko pala siya. Magkakaroon pala ako ng ganung chance, kasi di ba action siya, hindi ko naman naiisip na mali-linya ako sa action din.”
Nagbigay din siya ng kaniyang opinyon kung ano ang ibig sabihin para sa kaniya ng pagiging “sexy.”
“'Pag confident ka, 'pag sure ka sa sarili mo, lalabas ‘yun eh. Hindi mo kailangan gumawa ng something na hindi ka comfortable, ‘yung kailangan mag-suot ka ng revealing or anything like that. Basta, as long as may pagmamahal ka.”