
Matapos ang 11 taon ay muling magtatambal sa isang soap ang StarStruck batchmates na sila Yasmien Kurdi at Dion Ignacio.
Bibida ang dalawa sa Kapuso drama project na Hiram Na Anak.
Matatandaan na huling nagtambal sina Dion at Yasmien sa Saan Darating Ang Umaga? na dinirehe ng batikang direktor na si Maryo J.Delos Reyes noong 2008.
Sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute, may patikim na ito sa isang mainit na confrontation scene sa wedding scene nila Yasmien Kurdi at Dion Ignacio kung saan tampok din ang versatile actress na si Rita Avila.
Ibinahagi ng dalawang Kapuso stars ang mga dapat abangan sa naturang eksena sa Hiram Na Anak.
Kuwento ni Dion, “Kasi dito sa story na to kaya ganun si Ate [Rita Avila] kasi parang naagaw ng atensyon niya 'yung si Miren.”
Dagdag namana ni Yasmien, “Pero hindi ko alam kung saan 'yung pasensya ni Miren.”
Binalikan din ng dalawa ang tampuhan nila noon matapos tawagin ni Dion si Yasmien na 'elepante.'
Nagpaliwanag naman ang Kapuso actor sa harsh comment niya kay Yasmien.
“Di ba, mayroon show, StarStruck Playhouse. Hindi, kasi 'yung karakter ko doon sa StarStruck Playhouse dati parang crush ko siya doon sa story. Tapos 'yung way ko para hindi niya mahalata na crush ko siya tinutukso ko siya.”
Ano naman ang reaksyon ni Yasmien Kurdi sa mga sinabi ni Dion Ignacio?
Panoorin sa full interview sa Hiram Na Anak stars ng Chika Minute sa video na ito: